Mayroong dalawang paraan upang mag delegate:
- Gamit ang UI wallet (kapareha ng lumang delegation dashboard);
- Gamit ang Command Line Tools (magkaibang gabay para sa mas advance na gumagamit, mas maraming detalye at pagpipilian) buksan ang link na ito para sa gabay: https://support.velas.com/hc/en-150/articles/360021016480-How-to-delegate-with-Command-Line-Tool-Windows-and-macOS-Linux-
Delegate staking gamit ang UI wallet:
Upang mag delegate gamit ang UI wallet kailangan munang IPAGPALIT ang coins mula sa Velas wallet papunta sa Velas Native(Solana) wallet at mag delegate.
Pagkatapos ay suriin ang address upang ipagpalit mula Velas wallet papuntang Velas Native wallet at ang bilang ng VLX na gusto ninyong ipadala.
Kumpirmahin ang deposito at gumagaw ng stake account.
Ang isang stake account ay ibang uri ng account kung ikukumpara sa wallet address na simpleng ginagamit sa pagpapadala at pagtanggap ng VLX tokens. Kung ikaw ay nakatanggap ng VLX sa iyong wallet address, maaari mo itong gamitin upang gumawa at pondohan ang isang bagong stake account, na mayroong iba address mula sa wallet na iyong ginawa.
Pindutin ang create account tupang makagawa ng stake account at i-type ang bilang ng VLX na gusto mong i-stake.
Pagkatapos, makikita mo ang iyong stake account na hindi pa naka delegate.
Ngayon ay kailangan mo nang i-delegate ang iyong stake.
Tandaan, ang Validators ay mayroong gastusin sa pagpapatakbo at pagpapanatili, at ito ay pinapasa sa mga delegator bilang fee na kinokolekta mula sa mga kinikitang pabuya. Ang fee na ito ay mas kilala bilang commission. Kumikita ng mas maraming pabuya ang mga validator kapag marami ang stake na naka delegate dito at sila mismo ang makikipagtunggali sa iba pang validator upang babaan ang fee sa kanilang serbisyo upang magustuhan sila ng mga delegator. Kapag mayroong 100% commission fee, nangangahulugan ito na 0% ang iyong kikitain sa mga naka stake na VLX.
Pindutin ang Delegate at magbibigay ito ng suhestyon para sa validator, pumili ng validator at pumili..
Kapag kayo ay nag delegate, makikita ninyo na ang inyong stake ay naka-activate.
Maaari ding mag undelegate kung gusto ninyong i-withdraw ang inyong coin pabalik sa wallet kung hindi ito na activate(hindi warmedup). Pindutin ang undelegate, pumunta sa undelegated stake account at pindutin ang withdraw. TANDAAN ang stake account ay mawawala at masisira.
Kumpirmahin ito at ang lahat ng pondo ay babalik sa Velas Native wallet
Ang pag activate ay kailangan ng panahon o tinatawag na Warmup period. Kapag nagpapadala ng transaksyon para sa staking sa network, ang stake ay kailangan munang i-activate bago pumasok sa proseso ng consensus at magsisimulang kumita ng pabuya. Nakadepende ang tagal nito sa balanse ng stake at ang buong bilang ng VLX na naka stake. Aabot sa 25% ng VLX na naka stake sa warmup kada epoch upang magsimulang makatanggap ng pabuya. Sa mga panahon na mataas ang stake turnover, halimbawa ang network launch, ang stake ay dahan-dahan ang pag activate, nangangahulugan ito na maliit lang na parte ang naka stake sa bawat yugto ng napgpapatunay kada epoch.
Pindutin ang stake account address at ang impormasyon tungkol sa delegate ninyo ay mabubuksan, gagana ang information about your delegate will open, magkakaroon ng aktibong stake, pagkatapos warmup period at magsisimula kang kumita ng pabuya.
Undelegate o Mag-deactivate
Kapag naka-delegate, maaari kang mag-undelegate stake, kapag ang iyong stake ay nasa Activating status, maaari kang mag undelegate anumang oras at hindi na kailangang maghintay pa ng anumang cooldown o epoch.
Kapag ang stake ay activated at nakakuha ng pabuya, kailangan mong hintayin ang cooldown period upang mag withdraw.
Ang Cooldown Period ay naglalarawan sa panahon o oras kung saan mayroong transaksyon sa undelegation at ang oras na ang iyong Stake Account ay buong na undelegate na. Sa pagitan nito, ang iyong Stake Accountay kinokonsiderang “deactivating”, hindi na makakatanggap ng pabuya at illiquid. Sa panahon ng Cooldown Period, makikita mo ang iyong Stake Accounts’ status na “deactivating”. Ito ay tatagal ng ilang minuto hanggang sa tuluyan itong makita.
Kapag ang Cooldown Period natapos na (~2–3 na araw), maaari nang ma withdraw ang undelegated na pondo mula sa inyong Stake Account papunta sa inyong Wallet Account. Pindutin lamang ang “withdraw” susunod sa account at ilagay lamang ang halaga na nais ninyong i-withdraw.
I-claim ang pabuya
Ang pabuya sa staking para sa Solana ay madedetermina sa iilang kadahilanan, ilan sa mga ito ay ang pagpili ng validator, habang ang iba ay nagdedepende sa estado ng global network. Ang mga pabuya ay awtomatikong nadaragdag sa aktibong stake upang mag compound, nangangahulugan na ang pag withdraw sa pabuya ay kailangan ng cooldown phase upang maipasa.
Upang makuha ang mga pabuya, kailangang i-split ang inyong stake account sa dalawang bahagi. Halimbawa, ang inyong stake account ay mayroong 5216 VLX, ang 216 dito ay ang iyong pabuya na pwedeng makuha. Maaari kang pumili ng account at pindutin ang Split and piliin kung aling parte ang nais mong hatiin.
Comments
0 comments
Please sign in to leave a comment.