Ano ang Velas?
Ang Velas iay ang kauna-unahang AI-operated na delegated proof of stake blockchain, na nagpapahintulot dito upang bigyang daan ang pagbuo sa mga desentralisadong aplikasyon at smart contract sa mainnet, na nagiging resulta para sa mas mataas na antas ng mga transaksyon na umaabot sa 30 000 bawa't segudo, maraming salamat sa Schnorr signature.
Anong problema ang nagagawang solusyunan ng Velas?
Ang Velas ay nagagawang solusyunan ang trilemma ng blockchain sa pagbuo ng ligtas, interoperable, at labis na scalable na kapasidad.
Paano gumagana ang Velas?
Matatagpuan ang teknikal na paliwanag sa kung papaano gumagana ang Velas sa ating Technical Paper
Ano ang consensus mechanism na ginagamit ng Velas?
Ang Velas ay ginagamit ang AI-Operated DPOS (AIDPOS) na consensus
Sino ang mga kakumpitensya ng Velas?
Ang lahat ng mga platform ng blockchain ay maaaring ituring bilang pangunahing mga katunggali ng Velas - Ethereum, TRON, EOS, Cardano, NEO, Steem, Klaytn, TomoChain, IOST, ICON, atbp. Ang Velas Ecosystem din ay naglalaman ng mga produkto tulad ng Velasphere na nagbibigay sa mga user ng Desentralisadong File Storage (katunggali - Filecoin, Storj, Sia, etc) at Desentralisadong Cloud Computing (katunggali - Golem, iExec, SingularityNET, atbp). Bukod pa dito, ang Velas ay nagtatayo din ng Desentralisadong Video Streaming at Sharing Service, na nangangahulugang ang plataporma tulad ng YouTube, Vimeo, Livepeer, LBRY, D.Tube, at iba pa ay itunuturing din na katunggali ng Velas.
Sino ang mga kasosyo ng Velas at mga unang customer?
Coinpayments, Alpina Capital, Mind AI, Market Across, Blockchain Suisse, atbp.
Paano magagamit ang Velas?
Ang mga partisipante sa network ay bibigyan ng access sa ekosistema ng Velas na naglalaman ng mga produkto tulad ng Vortex (Desentralisadong Video Streaming at Sharing Service) at Velasphere (Desentralisadong File Storage at Desentralisadong Cloud Computing). Bukod dito, ang Velas token o VLX ay magagamit para sa paglilipat pati na rin sa pag-stake upang madagdagan ang kanilang kayamanan.
Ano ang ekosistema ng Velas?
Ang ekosistema ng Velas ay isang global network na binubuo ng Velas AI-powered Blockchain sa core nito, ang VLX token naman ay bilang halaga sa loob ng Network at mga produktong Velas na para sa ngayon ay Velasphere at Vortex
Kailan ilulunsad ang Network ng Velas?
Ang Network ng Velas ay ilulunsad ang mainnet nito at ang buong pagpapagana sa sistema ay nakatakda sa Q1 ng taong 2021
Paano gumagana ang AI sa Velas?
Ginagamit ang mga Neural network upang makalkula ang mga gantimpala para sa mga nagpapatakbo ng node at oras ng pagbubuo ng block. Ang mga server ng pagkalkula ng matrix (mga timbang ng neural network) ay matatagpuan sa mga node na miyembro ng network para sa pagtanggap ng mga pabuya. Upang sanayin ang isang neural network, ang isang genetic algorithm ang ginagamit sa panahon ng pre-training at ginagamit ang paraan ng backpropagation ng error upang mahanap ang minimum ng layunin sa pagpapatakbo.
Gaano kahaba ang bawat "epoch"?
6 na oras
Paano ko mababawi ang aking web wallet?
Maaaring mabawi ang iyong wallet sa paglalagay ng 12/24 word phrase na iyong hawak.
Ano ang gagawin ko kung mawala ang aking pin?
Kung hindi mo matandaan kung ano ang iyong pin o nawala ang iyong pin, huwag kang mag-alala dahil maaari mong mabawi ang iyong wallet gamit ang iyong 12/24 word phrase.
Ilang wallet ang maaari kong ilikha?
Walang limitasyon sa kung ilan ang nais mong wallet.
Ilang VLX ang kailangan upang maging isang delegate?
Nasa minumum ng 10,000 VLX ang iyong kailang kung gagawin ito sa Velas Wallet. Gayunpaman, maaari kang makibahagi sa pag-delegate ng iyong token sa mga palitan. Upang gawin ito, kinakailangan mo lamang ng 1 VLX ngunit hindi maaaring makapili ng pool kung saan mo ninanais mag delegate.
Gaano karaming VLX ang kailangan mo upang magpatakbo ng isang master node?
Nasa minimum ng 1,000,000 VLX
Gaano karaming VLX ang kailangan mo upang magpatakbo ng isang master node?
Nasa minimum ng 1,000,000 VLX
Ang ang Velas coin (VLX)?
Ang VLX ay isang utlity coin na ginagamit sa Ekosistema ng Velas, at maaaring gamitin sa tatlong paraan:
1) Ang mga User ay maaaring mag stake ng VLX at makatanggap ng pabuya sa bawat pagpapatunay sa block ;
2) Ang mga User ay maaaring makapag access o magbayad para sa mga serbisyo sa loob ng Ekosistema ng Velas tulad ng VTube o Velasphere;
3) Bilang isang cryptocurrency, ang mga user ay maaaring makipagpalitan ng VLX o ituring ito bilang isang investment.
Ilang ang kabuuang supply ng VLX tokens?
Ang kabuuang supply ng VLX token ay 2 082 328 632
Saan ako makakabili ng VLX?
Maaaring mabili ang VLX sa mga palitan na nasa listahan:
Aling wallet ang maaari kong magamit upang makapag-imbak ng VLX?
Inirerekumenda namin na itago ang iyong mga token sa Velas Wallet
Paano ako makakapag-stake ng VLX token?
Maaari lang tumungo sa gabay na ito at matuto sa mga proseso ng staking at at mga pabuya na kaakibat nito.
Ilang token ang kinakailangan upang makapag-stake ng VLX?
Nasa minimum ng 10,000 VLX ang kailangan upang mag stake sa Velas Wallet, ngunit posible ring mag-stake ng VLX sa mga palitan na may minimum na 1 VLX
Paano ako makakapag-delegate ng VLX?
Sa katunayan, ang pag stake sa Velas maituturing na delegated staking, nangangahulugan lamang ito na ang bawat user ay may kakayahang pumili ng pool kung saan sila maaaring mag delegate. Gayunpaman, ang mga user ay maaari lamang pumili ng kapag sila ay nag stake sa loob ng Velas Wallet at hindi pinahihintulutan kung sakaling ito ay mangyayari sa mga palitan.
Paano maging isang Delegate?
Sa Velas Wallet piliin ang seksyon na "Staking" at pagkatapos ay "Delegate Staking". Pumili ng pool kung saan nais mong stake at magpadala ng minimum na 10 000 VLX sa pool na iyon.
Gaano katagal kailangan kong maging isang delegator?
Walang limitasyon ang kailangan sa tagal sa pag-delegate ng stake. Gayunpaman, sa mga palitan, maayroon itong limitasyon - 30/60/90 na araw.
Ilang validator ang kailangan sa bawat epoch?
Mayroong 19 na validator sa bawat epoch.
Paano pumili ng pool?
Walang pormula para dyan ngunit mayroon kaming dalawang “hints”
1) Mas malaki ang pool stake, mas malaki ang tsansa nitong mapili bilang isang validator at makatanggap ng pabuya.
2) Gayunpaman, ang bahagi ng pabuya na matatanggap ng mga delegate ay kinakalkula sa proporsyon sa mga namamahagi ng iba pang mga delegate, at makatuwiran na pumili ng isang pool upang ang iyong bahagi ay mas mataas.
Kailan ko matatanggap ang aking pabuya?
Tumatanggap ng isang gantimpala ang Delegate kapag ang pool na napila niya ay napili bilang isang validator
Ano ang halaga ng gantimpala na matatanggap ko?
Upang mabilang kung magkano ang iyong matatanggap kung ang iyong pool ay magiging validator dapat mong idagdag ang lahat ng pools stake, imultiply ito sa rate ng inflation at hatiin sa 19 (bilang ng mga validator). Ito ang magiging gantimpala ng pool kung sa ka nakikilahok. Pagkatapos nito, mahahanap mo ang bilang ng iyong pabuya sa kasalukuyang pool at ang eksaktong porsyento ng gantimpala ng pool na iyong matatanggap
Paano maging isang Validator?
Upang maging isang validator, dapat mo munang mag-install ng isang node (maaaring mai-install ang isang node mula sa Staking Page sa isang wallet) at pagkatapos mag-stake sa iyong pool. Ang kabuuang halaga ng isang kandidato sa kanilang sariling pool ay hindi maaaring mas mababa kaysa sa minimum na stake ng kandidato (1m VLX). Matapos malikha ang isang bagong aktibong pool, ang kandidato ay maaaring mapili bilang isang validator sa simula ng susunod na staking epoch at magsimulang tumanggap ng mga gantimpala.
Paano maging isang Candidate?
Sa bawat aktibong pool (hindi banned + at mayroong wastong balanse) na hindi partisipante sa Validation ay sa katunayan isa nang Candidate. Tanging pool lamang ang maaaring maging Candidate.
Maaari bang ma-ban ang isang partisipante?
Oo, ang node ay maaaring ma-ban dahil sa mga malisyosong gawain o pag-skip ng block bilang validator.
Maaari bang ma-ban ang pool?
Oo, ang pool ay maaaring ma-ban at kung mangyaring ito ay ma-ban. ang lahat ng delegator sa loob ng pool ay iba-ban din. Ang ban na ito ay tatagal sa loob ng 2 na epoch.
Gaano katagal ang Ban?
Tagal ng Ban = 2 na epoch. Kung ang tagal ng epoch ay 4332 na block, nangangahulugan lamang na 8664 block ang panahon ng ban.
Ano ang ibig sabihin ng kulay pula at dilaw sa mga pool?
Dilaw na pool - hindi aktibong pool, Pula na pool - na-ban na pools. Parehong Dilaw at Pula ang mga pool na hindi maaaring piliin bilang validator.
Bakit hindi ako maaaring mag-withdraw?
Sa bawat epoch, mayroong maliit na bahagi kung ang ginawa (deposit at withdraw) ay ipinagbawal bilang aksyon sa seguridad. Ang panahon na ito ay isang maliit na parte lamang sa bawat epoch at ang wallet ay magbibigay balbala sa user kung ang operasyon ay hindi pinahihintulutan. Ang panahong ito ay tumatagal sa loob ng 360 na mga block hanggang 4332 na mga block (Humigit-kumulang 30 na minuto hanggang 6 na oras).
Gayundin ang pool na kung saan ay nais mong mag-withdraw ay kasalukuyang aktikbong validator, kaya't kailangan mo munang gumawa ng withdrawal order at withdraw (claim order) pagkatapos ng epoch. Ang wallet ay awtomatikong pipili - yun ay kung magwiwithdraw o gagawa ng order.
Kailangan ko bang maghintay para sa withdrawal?
Walang tiyak na oras dahil ang pagpili ng validator ay naka-random. Imposible ring mahulaan kung ang pool ay magiging validator pero maaari itong asahan base sa laki ng stake at ang stake ng ibang pool, at doon, maaaring malaman ang mga posibleng mangyari. Gayunpaman, walang garantisadong paraan dahil sa presensya ng randomness.
Ano ang Velas Wallet?
Ang Velas Wallet ay isang multi-currency wallet na nagpapahintulot sa mga gumagamit upang mag-imbak, stake, at mag transfer ng digital na mga asset.
Paano ko masusuri ang katayuan ng aking transaksyon?
Maaari itong gawin sa pamamagitan ng pagsulat sa iyong address o ID ng transaksyon sa Velas Explorer.
Mayroon bang bayad sa paglipat sa pagitan ng Velas wallet?
Mayroon, mayroong bayad depende sa laki ng ililipat - mas malaking halaga - mas malaki angfee. Ang fee na ito ay makikita sa Explorer.
Mayroon bang bayad sa paglipat sa pagitan ng Velas wallet at mga palitan?
Mayroong bayad, pareho lamang sa paglipat sa pagitang ng Velas Wallet. Tingnan sa itaas.
Posible bang ilipat ang mga assets sa maraming mga address sa isang transaksyon?
Hindi, hindi ito maaari.
Hindi ko makita ang aking VLX sa aking wallet! Ano ang gagawin ko?
Una sa lahat, suriin ang iyong seed phrase at kung ang iyong wallet address ay katulad parin ng dati. Gayunpaman, may mga pangyayaring hindi inaasahan, kaya mangyaring makipag-ugnay sa aming pangkat para sa suporta, sa Telegram (@velas_support_team) o sa pamamagitan ng email.
Ano ang Velasphere?
Ang Velasphere ay isang inisyatibong opensource at ekosistema na nagpapahintulot sa mga customer na magsagawa ng mga "resource-demanding tasks" gamit ang storage, CPU at GPU na konsepto sa pag share. Ang Velas Sphere ay binubuo ng dalawang parte: "Distributed Data Storage at Decentralized Cloud Computing". Hanapin ang mga karagdagang detalye at matuto pa tungkol dito mula sa technical perspective sa ating GitHub - https://github.com/velas/Velas-Sphere-Node/
Bakit kailangang ito ay desentralisado?
Mahalaga ang desentralisasyon upang gawing mas demokratiko, matapat, at censorship-resistant.
Paano ginagamit ang Velas Token sa Velasphere?
Ginagamit ang VLX sa Velasphere sa dalawang paraan:
1) Ang mga user ay magagamit ang VLX upang ma-access ang mga serbisyo nito;
2) Ang VLX ay ginagamit upang pabuya sa computing power providers.
Ano ang mga gantimpala para sa staking sa exchange?
18% bawat taon kung naka-lock ka ng 30 na araw at 20% kung naka-lock ka ng 90 araw.
Ano ang mga pinakamainam na setting para makilahok ang aking makina sa Velasphere?
Ang mga pangangailangan ng System ay hindi mataas, maaaring maglunsad ng node ang gumagamit kahit na may mababang RAM o lumang hard drive. Gayunpaman, hindi gaanong makikinabang ang user sa pakikilahok sa kasong ito.
Kapag lumahok ako, anong data ang ibabahagi ko sa Velas?
Ang mga user ay hindi nagpapadala ng anumang data sa Velas. Ang Velas ay hindi hihiling ng anumang data mula sa mga user.
Paano napapanatiling protektado at pribado ang aking data sa Velasphere File Storage?
Ang data ay protektado ng pag-encrypt kasama ang mga algorithm na ginamit sa industriya mula pa nuong nakaraang dekada. Ang Velasphere ay ini-encrypt ang lahat ng mga file sa parte ng kliyente gamit ang walang asymmetric AES encryption algorithm.
Magkano ang halaga ng File Storage?
Ang halaga ay magdedepende sa laki ng file ng user na nais nitong iimbak at ang presyong hinihingi ng tagapagbigay ng node
Bakit ko kailangan ang Velas para sa aking DApp?
Ang platporma ng Velas ay pinapagana ng AI at naglalaman ng espesyal na mga serbisyo tulad ng "Distributed Data Storage at Decentralized Cloud Computing" na maaaring magamit ng mga DApps upang mapabisa ang kagalingan nito. Ang sistema ng Velas ay mas ligtas at mas epektibo kumpara sa mga umiiral na mga solusyon, kaya't nangangahulugan lamang na ito ay isang magandang plataporma para sa pag-develop ng mga DApp.
Paano makasali sa komunidad ng Velas?
Ito ang listahan ng aming social media kung saan maaari kayong sumali at maging parte ng komunidad: Reddit, Telegram, Discord, Facebook, Instagram
Saan ako matututo patungkol sa Velas?
Maaari kang matuto sa pagsubaybay at pagbabasa sa aming artikulo sa Medium at GitHub, Technical Paper, Blue Paper, (Ang Technical at Blue Paper ay nararapat lamang na updated)
Paano ako makakatulong sa proyekto?
Maaari kang makatulong sa anumang paraang gugustuhin: maghanap ng mga bug sa ating wallet, gumawa ng proposal upang mapataas ang seguridad sa sistema, maging miyembro ng Distributed File Service (lease your memory), maghanap ng makakasira sa seguridad, mag ambag sa pagpapalago sa komunidad. Pinahahalagahan namin ang anumang tulong, makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng email o mag abot ng mensahe sa ating admin sa komunidad kung mayroon kang anumang panukala na isinasaalang-alang ang iyong kontribusyon
Kanino maaaring sumangguni patungkol sa mga press inquiry?
Huwag mag-atubiling magpadala sa aming email sa info@velas.com, dApps@velas.com o business.development@velas.com depende sa nilalaman ng inyong mensahe.
Comments
0 comments
Please sign in to leave a comment.